tagalog monolog

mahal ko sya
pero ewan ko lang
baka hindi ko sya mahal
baka gusto ko lang syang kausap
kasi masaya syang kausap
nakakatuwa
para bang walang problema sa mundo
parang parating puno ang wallet ko
parang di ako nilalagnat pag gabi
parang matataas ang grades ko
parang malaki ang sweldo ko
parang ewan ko ba
mahal ko yata sya
o baka naman hindi ko sya mahal
siguro gusto ko lang syang kasama
masaya kasi syang kasama
para kong lumilipad
parang kaya kong lutasin lahat ng problema
parang mabubuhay na ko kahit titigan ko lang sya
parang di ko na kailangang kumain
matulog, huminga…
siguro nga mahal ko sya
pero.. paano kung hindi ko pala sya mahal?
gusto ko lang siguro syang yakapin
masarap kasi syang yakapin,
tumatalon ang puso ko
nalilimutan kong wala pa kong hapunan
at na marami pa kong utang
o na galit na ang boss ko dahil parati akong late
dahil di ako makatulog kakaisip sa kanya
kakaisip kung nasaan sya
kung kumusta na sya
kumain na kaya sya? may iba kaya syang kayakap?
sino kaya katabi nya?
tulog na ba sya? o baka naman may tinatrabaho pa..
ewan, mahal ko nga ba sya?
hindi ko naman yata sya mahal.
gusto ko lang syang katabing matulog
masarap kasi syang katabi matulog
meron akong tandayan at kayakap,
at parang mabibilang ko lahat ng bituwin sa langit
kahit may bubong ang bahay namin,
nararamdaman kong ligtas ako
yun bang hindi ako tatamaan ng ligaw na bala
pag bagong taon, o ng kidlat pag umuulan
naiisip ko rin na parang swerte ako
yun bang nanalo ng isang daang milyon sa lotto
o ng bagong t.v. sa raffle sa christmas party
mahal ko nga sya!
hindi, hindi totoong mahal ko sya
gusto ko lang na nasa mabuti sya
na masaya sya kahit iba ang kasama nya
na ok lang sa kin na di nya ko mahalin
na ayaw nya kong kausap, kasama,
kayakap, katabing matulog
hindi!
hindi ko sya mahal.,
gusto ko lang ligtas sya
at hindi pinapaiyak ng kung sino sino
gusto ko mahalin sya nung minamahal nya
at na sana lumigaya sya kahit kapiling ng iba
hindi ko naman sya mahal di ba?
handa lang akong ialay ang buhay ko sa kanya
yung pag sinabi nyang talon sa tulay,
tatalon ako talaga,
at kung sabihin nyang ayaw na nya kong makita
at may iba na syang mahal,
kaya kong yumuko, lumayo
lumakad ng dahan dahan at wag lumingon
kasi nga mahal ko sya,
ano ba! ang kulit ko naman
kasi nga di ko sya mahal
hindi ko sya mahal
hindi nga..

07.30.2003.04.48.p.m. 

***Update 05/13/2014***
Almost 11 years have passed since I wrote this piece and I am overwhelmed that a lot of people are still reading it and were able to relate to what I felt back then. To show gratitude to all kindred souls who appreciated this post and kept this alive, I will be doing a giveaway, check out details on my instagram @poeticnook

Maraming salamat po!

42 thoughts on “tagalog monolog

  1. alam mo bang heto yung matagal ko nang hinahanap. kasi nung 1st year at second year ako, yan ang pinang monologue ko. nanalo ako. salamat sayo. angganda nito. at dahil sa monologue na to, sumikat ito sa school, at ang tanging naaalala ko lang ay ang word na POETICNOOK. :)BTW, college na ako. naalala ko lang.

  2. pasensya na po at ngayon ko lang nabasa ang mga comments nyo ^^

    wala po syang title, mahirap kasi mag isip kung anong angkop sa kanya kaya tinawag ko na lang syang tagalog monolog 🙂

    pwede nyo po itong gamitin, lagyan nyo lang po ng attribution (credits) sa may akda (poeticnook)

    maraming salamat!

  3. Hi!Grabe natuwa ako sa ginawa mo. In someways naranasan ko na rin ito. At dahil dito nainspire akong gumawa ng isang istorya na baka balang araw magawa kong pelikula kahit short lang. Meron akong audition this Thursday at wala akong alam ng monolgue piece, pwede ko ba ito magamit?

  4. @AnkletsandBracelets pwede po 🙂 at sana mabasa ko rin balang araw ang screenplay sa gagawin mong pelikula at mapanood sa audition ang interpretasyon mo sa monologue na ito 🙂

  5. wow!! ang galing , paheram nmn po ako nito.. gagawin ko lang po ang monologue na ito sa room namen, presentation :))

    bigyan ko nlng po ng credits dun sa gumawa, (poeticnook)

  6. Hello po!!Pwede ko po ba tong gamitin para sa play na gagawin ko this coming Tuesday??? Ako po kc ang representative sa UN namin kaya naghahanap po ako ng pwde kong gawin para sa talent..at ito po ang napili ko!!Gusto ko lng po tlganfg humingi ng permission nio Ms.Author..thnx po :)) Ang gondo <3

  7. @Rizel Ann : good luck po sa talent portion 🙂

    to everyone else who wants to use this poem, one favor po, please post your school / location so I know where you guys are from, thanks!

  8. Hi, puwede ko po bang gamitin tong monolog na ito sa prelim exam ko po sa drama? don't worry po credits will be all yours ilalagay ko po sa paper na ipapasa namin sa prof po ko po.

    thnaks po (:

  9. hi, puwede ko po ba gamitin tong monolog na to po para lang sa prelim exam ko po sa drama class po namin. don't worry po sa ipapasa po ko pong paper sa prof ko credits will be all yours po. Thanks 🙂

  10. paheram po ng monolog na to…. gagamitin ko lang po sa performance task namin sa school…school ko nga po pala UST-EHS…. thank you po justine po pangalan ko thank you again…. don't worry po may credits po kayo:)

  11. paheram po nitong monolog inspirational po kasi tapos kahit na mahaba siya sobrang meaningful naman po. gagamitin ko lang posa performance task namin sa school… UST nga po pala school ko Education High School po yung college department ko thank you po…. don't worry naman po lalagyan ko po ng credits…thnak you po 🙂 hahaha

  12. haha ako pa rin yung last na nagcomment. gusto ko lang magpasalamat sa gumawa nito. hanggang ngayon, pag may auditions / monologue pc na pinagagawa samin, eto ginagamit ko. lagi akong nananalo. malapit na akong grumaduate. woohoo tenkyu dito ulit : )))))

  13. Hello! My name is Aaron and I want to perform this for my school's multicultural themed Drama Night! I'll credit you and I'll even film it and send it to you if you'd like? Thanks in advance, I can't wait to do this on stage!

  14. Hi! I'm Dorcas from Miriam College 🙂 It's been 3 years since I used this piece in an audition and got accepted. All thanks to this wonderful piece 🙂 I'm a fan 🙂

  15. i can totally relate to this, down until line 56! hehe
    when will i be able to say that line?

    the mind has to teach the heart to think and say that line!
    that difficult.

    (i envy you; how i wish i can write. :D)

Leave a Reply to justine albarico Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *