skytrain

sabi ng isa kong kakilala, tuwing naiinis daw sya kapag nattraffic sa pagddrive sa EDSA, tinitignan nya ang mga tao sa MRT, nagsisiksikan, naiinitan, nakatingin sa kawalan, at doon bigla nyang nasasabi sa sarili na maswerte sya dahil meron syang sasakyan at di nya kailangan makipagsapalaran gaya ng iba. mas lalo nyang napapahalagahan kung anong meron sya.

naalala ko ang kwento nya kanina habang nakasakay ako sa skytrain at pinapanood ang mga taong kasabay ko na may kanya kanyang kawalan na minamasdan. may ibang natutulog, nagbabasa ng libro, nakikinig sa kung anong tugtog at nakatutok sa kanilang mga telepono. pero mas madami ang nakatingin sa bintana at tila malalim ang iniisip. napapansin kaya nila ang mga nagddrive at sinasabi sa sarili nila na sana meron din silang sasakyan o baka naman pinili talaga nilang mag skytrain para magkaron ng pagkakataon na mawala sa sarili at iasa ang mga buhay nila sa isang makina na ginawa para dalhin sila sa kanilang pupuntahan?
Continue reading »

ang hindi lumingon

Sabi nila, marami daw ang nakakalimot lumingon sa kanilang pinanggalingan. Hindi ko minsan naisip na mangyayari to sa kin.

Parang kahapon lang ng ako’y nasa Sibuyan kasama si Lola, umiigib ng tubig sa poso, nagtatampisaw sa ilog at dagat, nagtatabi tabi po sa mga kulipaw at nagbibilang ng mga huni ng kuliglig pagdating ng gabi dahil walang ingay ng mga de kuryenteng gamit sa paligid.

Naalala ko pa na pinapapasok namin ni Lolo ang mga manok sa ilalim ng aming bahay kubo tuwing hapon at ginigising kami ng mga tilaok nito pagdating ng umaga. Pag tanghali naman ay sinusubukan naming sungkitin ang mga lomboy, mangga, at tambis sa aming puno para meron kaming imimiryenda.
Continue reading »